Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Sheridan Voysey

Unawain

Isang uri ng sining ang anamorphic art. Sa unang tingin, tila binubuo ng iba’t ibang bagay ang isang larawan. Pero kung titingnan ito sa tamang anggulo, makikita ang tunay na larawang ipinapakita nito. Ipinapakita ng grupo ng mga nakatayong poste ang imahe ng isang kilalang pinuno. Balangkas naman ng isang elepante ang ipinapakita ng mga magkakasamang kable. At ang daan-daang…

Pagmamahal Sa Iba

May hindi pangkaraniwang kondisyon si Sarah sa kanyang mga kasu-kasuan kaya kailangan niya ng wheelchair. Minsan, papunta sa istasyon ng tren si Sarah sakay ng kanyang wheelchair upang dumalo sa isang pagpupulong. Sa kasamaang palad, sira na naman ang elevator at wala ring rampa para makaakyat siya. Sinabihan siya na mag taxi na lang para makarating sa susunod na istasyon na apatnapung minuto…

Minahal Ng Dios

Tila malaki ang tiwala sa sarili ng binatang si Malcolm. Pero isang pagkukunwari lamang ito. Lumaki siya sa isang magulong pamilya. Dahil dito, naging mahina ang loob niya. Palaging naghahanap ng pagtanggap mula sa iba si Malcolm at iniisip niyang kasalanan niya ang mga nararanasan nilang problema sa pamilya. Sinabi niya, “Bawat araw, humaharap ako sa salamin at sinasabi ko…

Panibagong Lakas

May napansin ang psychiatrist na si Robert Coles sa mga taong nakakaranas ng tinatawag na burn out o lubos na pagkapagod dulot ng paglilingkod sa iba. Madali na silang makaramdam ng panghihina, nawawalan ng pag-asa, labis na nalulungkot at sa huli’y hindi na makayanan ang kabigatang dulot nito.

Naranasan ko ang mga iyon nang matapos kong maisulat ang aking libro tungkol sa…

Tumibok Muli

Ang kantang “Tell Your Heart to Beat Again” ay hango sa isang tunay na kuwento ng isang doktor na espesyalista sa puso. Matapos niyang gamutin ang puso ng pasyente nito at ginawa ang lahat ng paraan, hindi pa rin ito tumibok. Hanggang sa lumuhod sa harapan ng pasyente ang doktor at kinausap ito, “Miss Johnson, matagumpay ang operasyon mo. Sabihin…